Manila, Philippines – Inamin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na plano nilang i-realign o ilipat ang dalawang items na nakapaloob sa 2020 proposed national budget.
Tinukoy dito ang pondo ng National Food Authority (NFA) para sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka na tataasan sa P9 billion mula P7 billion.
Batid ni Cayetano na kulang na kulang ang P7 bilyon para solusyunan ang krisis na dulot ng rice tariffication law.
Dapat aniyang pakinabangan ng mga magsasaka ang nakolektang taripa ng Department of Finance (DOF) mula sa rice imports na umaabot sa siyam na bilyong piso.
Idinagdag pa ng speaker na ikinokonsidera rin nila ang paglalaan ng tig P500 million para sa pagsasaayos ng mga kampo ng Phillippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).