Ilang kababaihan mula sa Marawi City, nanawagan na ipawalang bias ang idineklarang Martial Law ni P-Duterte

134

Marawi City, Philippines – Nanawagan na rin sa Korte Suprema ang ilang kababaihan mula sa Marawi City na ipawalang bisa ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Ito na ang ika-limang petisyon na inihain sa Supreme Court kaugnay ng Martial Law, at ikatlo na humihiling na ito ay ipawalang-bisa.


Sa naturang petisyon, pinangalanang respondents sina DND Sec. Delfin Lorenzana na tumatayo rin bilang martial law administrator, Executive Sec. Salvador Medialdea, acting Interior Sec. Catalino Cuy, AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Idinulog ng mga petitioners sa Korte Suprema na ang report na ibinigay ng Pangulo sa kongreso ay hindi naglalaman ng sapat na basehan para patunayang hindi kayang resolbahin ng kapangyarihan ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi City.

Dagdag pa ng mga petitioners, hindi sapat ang katwiran na may intensyon ang Maute Group na magtatag ng Islamic State sa Marawi, at tatanggalan ng mga ito ng kapangyarihan ang Pangulo.
DZXL558

Facebook Comments