Ilang kagamitang kinuha ng mga rebelde, ibinalik ng mga rebelde sa pamamagitan ng RMN-Iloilo

Iloilo – Isinauli ng mga rebeldeng New People’s Army nung araw ng Sabado ang mga gamit ng driver ng van na si Charles Pacaonses na kanilang in-abduct at hinoldap nung nakaraang buwan sa bayan ng San Miguel, Iloilo.

Sa pamamagitan ng RMN Iloilo, ibinalik ng mga rebelde ang personal na kagamitan ni Pacaonses gayundin ang 7-libong peso na bayad umano sa renta ng van.

Na-turn-over na rin ng RMN news team sa San Miguel Police Station ang naturang kagamitan ni Pacaonses.


Samantala, kinumpirma rin ng Ilolo Provincial Police Office na isinauli sa kanila nung Sabado ng hapon ng NPA ang dalawang laptop computer na tinangay ng mga ito nung sinalakay ang Maasin Police Station.

Sinabi ni IPPO Spokesman Police Chief Inspector Aaron Palomo na makapagpapatibay sa kanilang isinampang kaso laban sa mga rebelde ang mga isinauli ng mga ito na mga kagamitan.

Tinawag naman ng militar na “drama lamang” ng mga rebelde ang pagsauli ng ilang kagamitan na kanilang kinuha sa pang-aatake.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments