Madadaanan na ang ilang kalsadang binaha kanina dahil sa epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Gorio.
As of 3:21 kaninang hapon, humupa na ang tubig-baha sa bahagi ng:
Quirino – Taft;
Taft NBI Southbound;
Taft-Quirino to Ayala;
Kalaw/ Maria Orosa;
A. Bonifacio Bago Mag-11th Avenue;
A. Bonifacio/C-3;
C-5 Bahay Bulilit Southbound;
P. Burgos Victorino;
Quezon Avenue/ Biak-Na-Bato;
G. Araneta/ Victory Avenue;
A. Bonifacio/ 7th Avenue;
Araneta/ Ma. Clara;
Edsa/ A. De Jesus Northbound/ Southbound;
Osmena, Buendia ;
Kalsada sa tapat ng SM Sucat, Paranaque;
Taft, Pasay;
At Shaw, Mandaluyong.
Hindi pa naman madaanan ang bahagi ng R. Papa na binaha dahil sa mga basurang bumara sa Abucay pumping station.
Pinakiusapan naman ng MMDA ang mga informal settler na nakatira malapit sa mga daluyan ng tubig na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura.