Mandaluyong City – Ilang kalsada sa Mandaluyong City ang isasasara sa Sabado, Febraury 9 para sa Pasa Masid Grand Civic Parade kasabay ng selebrasyon ng 74th Liberation Day at 25th Anniversary nito.
Sa twitter ng Mandaluyong Traffic Enforcement Division, inanunsyo na isasara ang Kalentong Street mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang ruta ng parada sa Shaw Boulevard, Bonifacio, A. Luna, Aglipay, Boni Avenue at Maysilo.
Maaaring gumamit ng mga alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.
Ang mga sasakyan na galing sa Aglipay Street papuntang Kalentong/Shaw Boulevard ay pwedeng dumaan sa Lubiran Bridge, kanan sa Bagumbayan, kanan sa P. Sanchez hanggang Shaw Boulevard.
Ang mga sasakyan mula Panaderos papuntang Shaw Boulevard ay pwedeng kumaliwa sa Lubiran Bridge, kanan sa Bagumbayan, kanan sa P. Sanhez at diretso sa Shaw Boulevard.
Ang manggagaling naman ng San Juan papuntang Maynila via Kalentong ay pwedeng kumanan sa Shaw Boulevard, Sevilla Bridge, kaliwa sa Bagumbayan at kaliwa sa Lubiran Bridge.
Mula EDSA/Shaw Boulevard papuntang Kalentong ay pwedeng dumiretso sa Sevilla Bridge, kaliwa sa Bagumbayan at kaliwa sa Lubiran Bridge
Matatandaan na noong World War II, inokupahan ng Japanese Imperial Forces ang Mandaluyong.
Pero noong 1945, tumulong ang American Liberation Forces sa pagpapalaya ng lungsod.