Maharlika Fund Bill, sigurado nang ipapasa ni PBBM

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kanyang ipapasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill sa oras na makuha niya na ang kopya nito.

Ginawa ng pangulo ang pagkumpirma sa ambush interview sa pagdalo nito sa selebrasyon ng ika-85 anibersaryo ng Securities Exchange Commission o SEC.

Pero ayon sa pangulo, bago niya itong pirmahan ay titingnan nya ang mga pagbabago na aniya’y para naman sa safety at security ng mga pension fund.


Giit ng pangulo, mayroon lamang maling pagtingin ang publiko sa isinusulong na MIF kaya marami ang nangangamba na baka mawala o malugi ito.

Susi ayon sa pangulo sa ganitong investment fund ay ang maayos na pamamahala.

Dagdag pa ng pangulo na importante sa MIF ay independent ito sa gobyerno.

Hindi aniya maaring maging miyembro ng board ang presidente.

Tinanggal din bilang mga miyembro ng board ang Central Bank Chairman at Department of Finance (DOF) para makapag-operate nang malaya at propresyunal.

Facebook Comments