Ilang kalsada sa Metro Manila, kukumpunihin ng DPWH

Manila, Philippines – Itutuloy ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region DPWH-NCR ang road re-blocking sa labing-isang lansangan mga Quezon City, Pasig City at Caloocan mula mamayang alas-11 ng gabi.

Isasagawa ang road re-blocking sa ikalawang lane ng southbound ng A. Bonifacio Avenue mula sa Dome St. hanggang Sgt. Rivera; ikalawang lane ng southbound ng Mindanao Avenue mula sa Tandang Sora sa harap ng Shell; ang ikatlong lane ng southbound EDSA mula sa Kaingin Road at Dario Bridge; ang truck lane, southbound direction ng E. Rodriguez Jr. Avenue pagkalampas ng Greenmeadows Avenue at pagkalampas ng Boni Serrano Flyover sa Quezon City; at ang southbound direction ng C-5 Road malapit sa Julia Vargas sa Pasig City.

Gayundin ang ikalawang lane, northbound ng C.P. Garcia Avenue mula sa University Avenue patungong Maginhawa Street; ang northbound direction ng Luna Road mula sa East Avenue patungong Kalayaan Avenue; ikalawang lane ng northbound direction ng Quirino Highway kanto ng La Mesa Dam Road; at ang northbound direction ng Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas sa Pasig City.


Muling bubuksan sa publiko ang mga nasabing daanan alas 5 ng umaga sa Lunes, Setyembre 11.

Facebook Comments