Mahigit kalahating milyon na halaga ng shabu, nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro

Mahigit sa kalahating milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng kapulisan sa Cagayan de Oro mula sa kanilang High Value Target at dawala pang kasama nito.
Isinagawa ng Cogon Police Station ang drug buy bust operation sa Barangay 33 dito sa syudad kahapon ng hapon.
Kabilang sa naaresto ay ang kanilang High Value Target na si Jalal Ibra, 39 anyos, drug courier at mga kasamang sina Macaangkos Gambaw, 32 anyos at Abdul Gambao, 43 anyos, pawang mga may asawa at taga Lanao del Sur.
Nakuha mula sa mga suspek ang 75 grams na shabu na nagkakahalaga ng 600-thousand pesos, 500 buy bust money at isang Toyota Revo na sasakyan.
Napag-alaman ng kapulisan na si Abdul Gambao ay isang closed-in security personnel ni Mayor Nasser Panangandaman, Jr. sa Masiu, Lanao del Sur.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng tatlong suspek.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
PC: Kasamang Anne Jane Duhaylungsod

Facebook Comments