Ilang kalsada sa Pasay at Makati, nakatakdang isara para sa 30th ASEAN summit sa April 26-29; MMDA, magpapatupad ng rerouting scheme

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development
Authority ng re-routing scheme simula sa April 26 hanggang 29 para sa 30th
ASEAN summit na isasagawa sa bansa.

Sa abiso ng MMDA, nakatakdang isara sa mga motorista ang ilang kalsada sa
Pasay city at Makati city.

Kabilang sa pansamantalang isasara sa motorista ang Senator W. Diokno
Boulevard, Jalandoni, Bukaneg, V. Sotto, Dela Rama, Makati Avenue, at Pasay
Road.


Ayon sa MMDA, asahan na ang mabigat na daloy na trapiko sa mga apektadong
lugar kung saan gaganapin ang ASEAN summit.

Ang maagang abiso ng MMDA ay para maiwasan ng mga motorista ang nabanggit
na kalsada at maghanap ng alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang
destinasyon.

Facebook Comments