Nagresulta sa mabigat na daloy nga trapiko at pagka-stranded ng mga pasahero ang baha o street flooding sa iilang daan dito sa Davao City kagabi bunsod ng malakas na pag ulan.
Ilang downtown areas ang binaha gaya nang sa Quirino, maging sa Matina, Ulas, Bangkal at iba pang areas.
Dahil sa malakas na pag ulan kagabi, naitala ngayong umaga ang landslide sa Purok 6, Upper Mahayahay, BRGY. Langub, dito sa lungsod na agad naman nirespondehan ng Disaster Risk Reduction & Management Team.
Inaalam pa ngayon ng DXDC News Team ang karagdagang impormasyon sa insidente.
Samantala ayon sa PAGASA, kahit nakakaranas ng init na panahon ang Davao Region dahil sa dry season, uulanin pa rin ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa localized thunderstorms.
Ayon pa wala namang namataan na papasok na Low Pressure Area o LPA.
Ngayon, naka-close monitor CDRRMo sa Davao River lalo na sa Talomo, Lipadas, at Matina.
Sa inisyal na assessment, wala namang naitalang nabiktima sa nasabing pagbaha at landslide.