‘Libreng Sakay’ ng DZXL 558 Radyo Trabaho katuwang ang ACS-Shield Bath Soap, umaarangkada na ngayong araw!

Nagbabalik ngayong araw ang ‘Libreng Sakay’ ng RMN Networks at DZXL 558 Radyo Trabaho.

Nagsimula ang ‘Libreng Sakay’ kaninang alas-6:00 ng umaga na tatagal hanggang mamayang hapon.

Ang ‘Libreng Sakay’ ay may biyaheng Tulay-Kalayaan-Buting, Buting-Kalayaan-Guadalupe vice versa.


Target ng nasabing ‘Libreng Sakay’ na makapaghatid ng ngiti at saya sa 150 na pasahero.

Sa mga maswerteng pasahero na sasakay, awtomatikong mananalo ng cash prize, gift packs at hygiene kits.

Hatid ito ng RMN Networks, DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS – Shield Bath Soap “napatunayang mabisa, nurse tiwala.”

Facebook Comments