Mga Nakaparada sa Daan na Papasok sa Palengke, Pinagtatanggal

2308

Cauayan City, Isabela- Nagsimula na ngayong araw, September 28, 2020 ang dry run para gawing two- way ang mga Street na papasok na daanan sa public market ng Lungsod ng Cauayan.

Kung magtatagumpay ang plano ng POSD Cauayan sa direktiba ng City Enterpricing Office ay gagawin na itong permanente.

Mula sa National Highway pagpasok sa Food chain at Subido Street ay ginawa nang 2 way.

Matatandaang nagtungo mismo sa City hall ang mga vendors upang idulog ang kanilang apela na sana’y matulungan sila na maipasok ang mga tao upang makabili sa kanilang mga paninda.

Bilang pagtugon ng Cauayan POSD ay ipinalinis muli ang mga nakaparadang traysikel na nagiging sagabal sa pagdaan at pagpasok ng mamimili sa palengke.

Facebook Comments