Ilang kompanya ng langis, nagpatupad ng taas-presyo sa LPG at AUTO LPG ngayong araw

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hating gabi, nagpatupad ng taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at Auto LPG ang ilang kompanya ng langis.

₱3.25 per kilogram o katumbas ng ₱35.75 ang itinaas ng Petron at Phoenix sa kanilang 11-kilo na tangke ng LPG.

Nasa ₱1.81 naman ang dagdag sa kada litro ng Auto LPG ng Petron habang nasa ₱1.80 sa Phoenix Philippines.


Ang pagtaas sa presyo ng cooking gas at Auto LPG ay dahil parin sa mahal na presyo nito sa world market.

Facebook Comments