Pinakamainit na temperatura sa Metro Manila, naitala kahapon

Naitala kahapon ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila ngayong taon.

Batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ala-1:50 kahapon, naitala sa Science Garden sa Quezon City ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 36 degrees celsius.

Ang init factor nito o yung damang init ay umabot sa 39 degrees celsius.


Babala ng PAGASA sa publiko, maaari pang tumaas ang temperatura sa mga susunod na araw lalo na’t umpisa pa lang ng summer season.

Facebook Comments