Ilang kongresista, nais makumpirma mismo kay PBBM na gusto nitong isabay sa 2025 Elections ang plebesito para sa economic Cha-cha

Para sa ilang kongresista, mas mabuting marinig nila mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pahayag na nais nitong isabay sa 2025 Midterm Elections ang plebesito para sa economic Charter Change o Cha-cha.

Ayon kay PBA Partylist Rep. Margarita Nograles, si Pangulong Marcos lang ang makakapagsabi kung ano talaga ang gusto nito kaugnay sa economic Cha-cha.

Sabi naman ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, ang nabanggit na impormasyon ay inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri kaya mainam pa rin na marinig ito mismo kay PBBM.


Tiniyak naman nina Nograles at Gutierrez na patuloy pa rin ang puspusang deliberasyon ng Committee of the Whole sa Kamara para sa Resolution of Both Houses No. 7 na nagsusulong ng economic Cha-cha.

Facebook Comments