Thursday, September 17, 2026

Ilang kritiko ni PBBM, puro negatibo na lamang ang nakikita sa ginagawa ng gobyerno ayon sa Malacañang

Tila wala nang nakikitang positibo sa gobyerno ang ilang kritiko kasunod ng patuloy na panawagan ng Grupong BAYAN (Bagong Alyansang Makabayan) na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, kumikilos ang mga kinauukulang ahensiya laban sa mga sangkot sa flood control anomaly, kabilang ang pagsasampa ng kaso matapos suriin ang mga ebidensiya.

Sa kabila nito, sinabi ni Castro na tila “wala nang satisfaction” ang ilang kritiko at puro negatibo na lamang ang nakikita sa ginagawa ng gobyerno.

Aniya, hindi naman mapipigilan ang mga grupong patuloy na nananawagan ng pagbibitiw ng pangulo kung iyon ang kanilang layunin.

Facebook Comments