Ilang lansangan sa Metro Manila – binaha kasunod ng malakas na pag-ulan

Manila, Philippines – Binaha ang ilang lansangan dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila bago magtanghali, kanina.

Sa abiso ng MMDA, nakapagtala ng gutter deep na pagbaha sa elliptical road sa Quezon City.

Binaha din ang bahagi ng Biak na Bato westbound, at ang E. Rodriguez Araneta westbound.


Maliban sa Metro Manila, inulan din ang mga ilang bayan sa Cavite at ang Nasugbu sa Batangas.

Una nang nagbabala ang pagasa na apektado ng thunderstorm ang San Juan, Quezon City, Parañaque, Maynila, Pasay, Makati at Mandaluyong.

Facebook Comments