Kabilang ang LGU Tuguegarao, Allacapan, Baggao, at Alcala sa mga nagpatupad ng suspensyon sa klase.
Una na ring nagpatupad ng suspensyon si Gov. Manuel Mamba sa pre-school.
Itinaas ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) ang red alert status dahil sa banta ng bagyong Florita.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 02, itinaas ang red alert simula pa kahapon, August 21, 2022 dahil sa sama ng panahon na tinutumbok ang rehiyon.
Samantala,nagpatupad naman ng Liquor Ban ang Provincial Government ng Isabela.
Bukod pa dito, isang spillway gate ang binuksan ng National Irrigation Administration sa Magat Dam sa harap ng nararanasang malakas na buhos ng ulan.
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 na may sapat na suplay ng Food and Non-Food Items bilang tugon sa posibleng pagtama ng Tropical Depression ‘Florita’ sa Cagayan at Isabela.
Mayroong nakahanda na 18,582 na Family Food Packs at 5, 610 naman para sa Non-Food Items.
May mahigit P8 milyon na standby funds ang ahensya na maaaring gamitin para sa pagtugon sa mga kakailanganin ng mga residenteng posibleng maapektuhan ng bagyo.
Mahigpit naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na maging alerto dulot ng sama ng panahon.