Ilang LSIs tumakas sa Isolation Center ?

30

Abot na sa 237 ang kaso ng Covid -19 sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ang napag-alaman mula kay BARMM IATF on Covid 19 Spokesperson Asnin Pendatun sa panayam ng DXMY ngayong umaga.


Karamihan sa mga bagong kaso ay mga umuwing Locally Stranded Individuals dagdag pa ni Pendatun.

Sinasabing pinakahuli rito ay ang limang indibidwal na naka avail ng Hatid Tulong Initiative Program. Base sa Data ng IATF BARMM 256 na mula sa LSI ang naswab test.

Samantala, patuloy naman na beneberipika ng BARMM Government ang impormasyong may mga umalis mula sa isolation center ng Sanitarium Hospital.

Hindi rin kasi aniya nagkatugma ang bilang ng National Government at ang actual counting ng mga taga BARMM sa bilang ng mga umuwing LSI mula Manila tungong Cagayan De Oro na binyahe sa Sultan Kudarat Municipality giit pa ni Pendatun.
BARMM Readi Pic

Facebook Comments