Ilang mga lugar sa Maynila at Quezon City ang binaha kasunod ng malakas na buhos ng ulan na nagresulta rin sa lalong pagbigat ng daloy ng trapiko.
Nasabay ang malakas na ulan sa rush hour kung kailan maraming motorista ang pauwi na galing sa trabaho.
Kabilang sa mga binahang lugar ang ilang bahagi ng A. Bonifacio Avenue mula sa kanto ng Araneta Ave. kung saan nagmistulang ilog ang sitwasyon ng baha sa lugar na sinasalubong ng mga motorista.
May mga parte rin ng A. Bonifacio Ave. ang lagpas gutter ang taas ng baha.
Maraming mga pasahero rin ang na-stranded dahil palaging punuan na ang mga jeep at kakaunti ang bilang ng pumapasada mula sa Blumentritt sa Maynila patungo sa direksyon ng Balintawak sa Quezon City.
Facebook Comments