
Makararanas ng mahina hanggang walang suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Muntinlupa at Parañaque City.
Bunsod ito ng hindi magandang kalidad ng raw water sa Laguna Lake dahil sa malakas na hangin.
Sa inilabas na abiso ng Maynilad Water Services, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng umaga, February 15 magsisimula ang paghina ng tubig.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Sucat sa Muntinlupa City; habang sa Parañaque City naman ang BF Homes, Marcelo Green, San Antonio, at San Isidro.
Tiniyak naman ng water concessionaire na kanilang ibabalik kaagad ang maayos na serbisyo sa sandaling bumuti ang kondisyon.
Facebook Comments










