14 na lungsod sa Metro Manila ang nakapagtala ng positive growth rate sa nakalipas na linggo.
Ito ang sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire sa Laging Handa public press briefing.
Ayon kay Vergeire, sa mga lugar na ito ay nadagdagan ang mga kaso ng COVID-19 pero hindi ibig sabihin na dapat na tayong maalarma.
Paliwanag ni Vergeire nananatiling nasa low risk classification ang malaking bahagi ng bansa pero kinakailangan itong mapanatili o maituloy upang hindi na lalo pang tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Nakikitang dahilan ni Vergeire sa pagtaas ng positivity rate ay dahil nandito na iyong mga Omicron sub-variants na napatunayang mas nakahahawa at dahil na rin sa bumababang immunity ng publiko.
Kasunod nito, patuloy na hinihikayat ng opisyal ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot na.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1.6% ang positivity rate ng Metro Manila.