Bayan ng Tubay sa Agusan del Norte, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol kagabi

69

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Tubay sa Agusan del Norte dakong alas-10:21 ng kagabi.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ito ay may lalim na 5 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa Tubay at Santiago sa Agusan del Norte.


Habang Intensity III ang naitala sa lungsod ng Cabdbaran ng naturang lalawigan.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks ngunit asahan ang pinsala.

Facebook Comments