Ilang Mag-aaral sa Lungsod ng Cauayan, Nakiisa sa National Simultaneous Earthquake Drill!

*Cauayan City, Isabela- *Nakiisa kahapon ang mga mag-aaral ng Cauayan City National High School sa pagdaraos ng 3rd Quarter National Simultaneous Earth quake Drill at Fire drill sa buong bansa.

Ito ay dinaluhan rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng BFP Cauayan, PNP, CDRRMO, POSD at iba pang mga indibidwal.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay School Principal Primitivo Gorospe, bagong talagang pinuno ng paaralan, layunin aniya nito na mabigyan ng kahandaan ang bawat isa sakaling magkaroon ng sakuna gaya ng lindol at sunog.


Isa rin aniya itong magandang hakbang na dapat isaulo at gawin ng mga mag aaral para sa kaligtasan kung sakaling may sakuna.

Kaugnay nito ay mayroon na rin binuong rescue team ang paaralan na kinabibilangan ng mga estudyante at mga guro.

May kanya kanyang hard hat na rin anya ang bawat mag-aaral na pwede nilang magamit bilang proteksyon sa kanilang ulo sakaling makaranas ng paglindol.

Nagpaalala naman si Ginang Gorospe sa mga mag-aaral na huwag dapat magpanic sa mga ganitong sakuna na kalimitan aniyang nangyayari sa mga paaralan tuwing nakararanas ng pagyanig.

Facebook Comments