Ilang Mamamayan sa Tuguegarao City, Umangal sa Clearing Operations!

*Tuguegarao City- *Isang araw matapos ang isinagawang road clearing operation sa Lungsod ng Tuguegarao ay nananatiling hati ang opinyon ng mga residente sa nasabing operasyon.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa mga mamamayan ng Lungsod, ilan sa mga ito ang hindi pabor sa nasabing operasyon dahil umano sa may mga pinapaboran ang mga operatiba.

Batay sa naging pahayag ng ilan sa mga mamamayan, pawang mga traysikel drayber lamang umano ang sinisita habang ang ilang mga nakahambalang na mga pribadog sasakyan ay nilalagpasan lamang umano.


Sa naging panayam naman ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Sharon Malillin, tagapagsalita ng CPPO, kanyang inihayag na wala silang sinasanto sa nasabing operasyon bilang pagsunod na rin sa tagubilin ng Pangulong Duterte.

Sa nangyaring operasyon, ay mayroon nang mga kawani ng gobyerno sa isang pagamutan ang nasampolan sa nasabing operasyon.

Habang ang ilang mga residente naman ay sang-ayon sa naturang operasyon dahil na rin sa pagluwag ng trapiko at pagkaka alis sa mga bagay na nakakaabala sa kalsada.

Sa ngayon patuloy pa rin ang clearing operation sa mga kalsada ng lungsod maging sa mga barangay batay na rin sa direktibang ibinaba ng DILG Circular number 2019-121.

Facebook Comments