
Tampok ang ilang mambabatas na dumalo sa ikaapat na State of the Nation Address 2019 (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kasama sa kanilang kasuotan ang ‘statement’ ng isinusulong na adbokasiya.
Una na rito si Bayan Muna representative Carlos Zarate na nagsuot ng barong na hand-painted ng Chinese at Pilipinong mangingisda kaugnay ng pagprotesta ng soberaniya.
Si Kabataan party-list representative Sarah Elago naman ay may kaparehong adbokasiya na tumatawag sa pagtigil sa patayan ng drug war at dagdag proteksyon sa mga mangingisda.
Kabataan Rep. Sarah Jane Elago shoes off her blue Filipiñana with a sash that represents the youth's commitment to PH sovereignty.
Elago is the poorest House member last year. @PhilstarNews #SONALive pic.twitter.com/FlQqI3pRLW
— Gaea Cabico (@gaeacabico) July 22, 2019
Dala naman ni Gabriela party-list representative Arlene Brosas ang pamaymay na nagpo-protesta laban sa water privatization.
Samantala, ang adbokasiya naman ni ACT Teachers France Castro ay ang pagtaas ng sahod ng pampublikong mga guro at empleyado ng gobyerno.