Manila, Philippines – Aminado ang ilang mambabatas na may mga pangamba rin sila sakaling maipatupad na ang National ID System sa bansa.
Ayon sa mga nagtutulak sa panukala, bukod sa mas madaling makipagtransaksyon sa gobyerno, makatutulong din sa seguridad ang national id dahil madaling makikita ang mga may record sa krimen.
Gayunman, ayon kay CIBAC rep. Sherwin Tugna, pwede rin itong magamit sa paniniktik sa pulitika.
Duda rin ang Gabriela na sagot ang National ID para mapabuti ang serbisyo ng gobyerno dahil hindi naman anila nito masosolusyunan ang problema sa kahirapan.
Nangangamba naman ang Makabayan Bloc na matulad sa ‘comeleaks’ ang National ID kung saan nag-leak sa internet ang voters’ data base bago ang halalan 2016.
Pero giit ni ACTS OFW Rep. John Bertiz, isa sa mga pabor sa panukala, bukod sa National Privacy Commission, pwede rin naman aniyang magtayo ng oversight committee ang kongreso para bantayan ang National ID.
Matatandaang inaprubahan ng Kamara noong 16th Congress ang panukala pero hindi ito agad umusad sa Senado.
Sa ngayon, apat na panukala pa ang nakabinbin sa Senado para sa National ID.
DZXL558