Mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, pinagbantaan umano si Napoles

Manila, Philippines – Naniniwala ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles na may mga dati at kasalukutang nasa gobyerno ang nagbabanta sa kanyang buhay.

Ayon sa abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David – lumala ang banta nang umugong ang balitang posibleng gawing state witness si Napoles.

Sinabi naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguiire – may mga grupo na ginagawang hostage ang kapatid ni Napoles na si Reynald Lim.


Hindi muna pinangalanan ni Aguirre ang grupo at nangako naman ito na walang selective justice sa planong muling buksan ang imbestigasyon sa PDAF scam.

Hindi na rin gagamitin ang findings ng DOJ noong panahon ni Senadora Leila De Lima o makikipag-ugnayan sa Office of the Ombudsman.

Facebook Comments