*Tuguegarao City- *Pinarangalan ng Police Regional Office 2 (PRO-2) ngayong araw ang ilan sa mga matataas na opisyal ng PNP dito sa rehiyon dos bilang bahagi sa ika-117th Police Service Anniversary ng PRO2 sa pangunguna ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan News, pinarangalan sa indibidwal awards bilang best Senior Police Commissioned Officer for Administration si Police Senior Superintendent Warren Gaspar Tolito, Police Senior Superintendent Gregory Bogñalbal bilang Best Senior Police Commission Officer for Operations, si Police Senior Inspector Marlou Del Castillo bilang best Junior Police Commissioned Officer for Operations, PSupt Ariel Quilang bilang best Junior Police Commissioned Officer for Operations, SPO1 Antonio Mangahas Jr bilang best Senior Police Non-Commissioned Officer for Operations.
Pinarangalan din bilang best Senior Police Non-Commissioned Officer for Operations si SPO2 Lorna Galindin, PO3 Ramon Simangan Jr bilang best Junior Police Non-Commissioned Officer for Administration, PO3 Roy Dulatre Bajet bilang best Junior Police Non- Commissioned Officer for Operations, NUP Elizabeth Sison bilang best Non-Uniformed Personnel, Supervisory level at si NUP Elena Ocfemia sa Non-Supervisory level.
Kabilang din sa nabigyan ng pagkilala ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pamumuno ni Police Senior Superintendent Mariano Rodriguez at ilan pang hanay ng PNP dito sa rehiyon dos.
Kaugnay nito ay nabigyan ng tig-sampung libong piso ang mga nabigyan ng Indibidwal Awards habang sa mga Unit Awards naman ay nakatanggap ng tig-apatnapung libong piso.
Samantala, isa sa magiging sentro sa gagawing pulong balitaan bilang bahagi sa anibersaryo ng PRO2 ay ang pagsuko ng anim na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Intelligence ng PRO2 kung saan tatlo sa mga ito ay mga menor de edad na mula umano sa Piat, Cagayan area.