Ilang may sintomas at positibo sa COVID-19, paiinumin ng virgin coconut oil upang makita na mas mabilis ang kanilang recovery

Matapos pumasa sa clinical trials sisimulan na ng Department of Science & Technology ang pagpapainom ng virgin coconut oil sa ilang COVID-19 positive patients.

Sa laging handa public press briefing sinabi ni DOST Sec. Fortunato Dela Peña may ilang pasyente mula sa Philippine General Hospital at Sta. Rosa Laguna hospital ang papainumin nito.

Pag-aaralan nila ngayon ang resulta dahil base sa ilang pag-aaral mas mabilis ang magiging recovery kapag uminom ng VCO supplement kumpara sa mga hindi umiinom nito.


Taglay daw kasi ng VCO ang anti-viral properties kung kaya mas madali ang paggaling kapag uminom ng naturang supplemental medicine.

Kapag naging matagumpay ang resulta, posible ayon kay Dela Peña na magtutuloy tuloy pa ang clinical trials ng VCO upang malaman kung pwede itong maging lunas o gamot sa COVID-19.

Facebook Comments