Ilang mga barangay sa lungsod Quezon, mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong maghapon

Inanunsyo ngayon ng Quezon City government na ilang mga barangay sa lungsod ang mawawalan ng suplay ng kuryente simula kaninang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Sa abiso ng Quezon City government, may gagawing upgrade ang Meralco sa ilang pasilidad nito sa malaking lugar sa lungsod.

Kabilang sa maaapektuhan ngayong araw ang Barangay Apolonio Samson, Barangay Norte Apholstery at Barangay Balara.


Sa darating na linggo naman October 3, sunod na mawawalan ng suplay ng kuryente mula umaga hanggang hapon ang Barangay Culiat, Vasra, New Hope at Barangay Bull.

Facebook Comments