Monday, March 30, 2026

Ilang mga chance passenger, handang maghintay para makabiyahe sa PITX

Dagsa pa rin ang mga ilang pasahero Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na nais umuwi sa kani-kanilang probinsiya para makapagbakasyon ngayong Semana Santa.

Mula pa nung Biyernes ay halos fully booked na ang mga biyahe partikular ang mga bus na patungong Bicol Region hanggang Huwebes.

Nabatid na pahirapan na sa pagkuha ng biyahe na pauwi ng Bicol kung saan karamihan ay pawang mga chance passenger na.

Ilan sa mga bus company na patungong Bicol ay nagtaas ng pamasahe mula P100 hanggang P200.00.

Maging ang biyahe patungong Mindoro ay halos fully booked na rin kung saan handa naman maghintay ang mga pasahero dahil inabisuhan naman sila na may mga bus pa na parating upang makauwi o makabiyahe na sila pauwi ng probinsiya.

Facebook Comments