Ilang mga dating rebelde, sumuko sa pulisya

Tuloy-tuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para makamit ang pagiging malaya mula sa insurhensya.

Sa katunayan, sa Police Regional Office 3, ilang mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF at kanilang allied organizations ang sumuko sa pulisya mula January 14-18, 2025.

Sa datos ng PRO3 partikular sa Baler, Aurora, isang alias “LJ,” former member ng Iskwad Tersera Bagong Hukbong Bayan ang sumuko sa pulisya kasama ang kanyang baril.

Sa Bataan, dalawang kasapi ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Bataan at isang dating myembro ng Lino Blas Command ang sumurender sa pamahalaan.

Mayroon ding sumukong mga dating rebelde sa Olongapo city, Nueva Ecija, at Bulacan.

Ayon kay PRO3 RD PBGEN Jean Fajardo, matagumpay ang Oplan Balik-Loob program ng pamahalaan na nagbibigay ng financial aid, livelihood support, at reintegration services sa mga dating rebelde.

Facebook Comments