PBBM, pangungunahan ang paglulunsad ng Tesla Center Philippines ngayong araw

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Tesla Center Philippines sa BGC Taguig.

Ang Tesla Motors Philippines, na isang subsidiary ng Tesla Inc., ay magbubukas ng ika-apat nitong merkado sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region sa ngayong araw.

Ito ay bilang suporta sa agenda ng gobyerno para sa sustainability at mapabilis ang transition ng bansa patungo sa sustainable energy.


Matatandaang noong Oktubre ay hinikayat ng pangulo ang ASEAN at Global Business Leaders na mamuhunan sa bansa na isang ideal hub para sa smart at sustainable manufacturing.

Partikular sa mga sektor ng green metals, battery manufacturing, energy equipment, data centers, at agribusiness.

Sa ASEAN Business and Investment Summit 2024 sa Laos, sinabi rin ng pangulo na inihahanda na ang nasa 1.5 million na manggagawang Pilipino para sa global digital economy.

Facebook Comments