
Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command ang unang Maritime Cooperative Activity ngayong taon sa Palawan area na bahagi ng West Philippine Sea nitong January 17 at 18.
Ayon sa AFP, kabilang sa mga assets ng Pilipinas na lumahok sa aktibidad ang BRP Antonio Luna (FF151), BRP Andres Bonifacio (PS17), dalawang FA50 fighter aircraft, at mga Search and Rescue (SAR) assets mula sa Philippine Air Force.
Sa panig naman ng Estados Unidos, ang USS CARL VINSON Carrier Strike Group (VIN CSG), USS Princeton (CG59), USS Sterett (DDG104), MH-60 Seahawk helicopter, V-22 Osprey helicopter, at dalawang F-18 Hornet aircraft ang sumali.
Kabilang sa mga naging aktibidad ay ang Communications Check Exercise, Division Tactics/Officer of the Watch maneuvers, at Photo Exercise.
Nagsagawa rin ng Dissimilar Aircraft Combat Training (DACT) ang mga kalahok na barko.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen Romeo Brawner Jr., ang 5th iteration ng MCA ay nagpatibay pa sa bilateral maritime cooperation at interoperability ng Pilipinas at US, pati na rin ang kanilang mutual effort na patuloy na protektahan at tiyakin ang mapayapang rehiyon.