Ilang mga establisyimento sa Pasay, papayagan nang mag-operate ng 100% full capacity

Pinayagan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang ilang negosyo na mag-operate ng full capacity sa gitna na rin ng patuloy na pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang mga establisyimento na papayagan na mag-operate ng full capacity ay dapat mahigpit na sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields, at temperature checks.

Kabilang naman sa mga negosyong pinapayagan na magbalik operasyon ng 100% full capacity ang mga financial services; legal at accounting services; management consultancy activities; publishing at printing services; film, music at TV production; recruitment at placement agencies para sa overseas employment; iba pang services tulad ng photography, fashion, industrial, graphic at interior design; malls at commercial centers.


Maaari namang mag-operate din ng 100% ang mga travel services, drive-in cinemas, internet cafes at computer shops basta’t mayroong business permit at mapapanatili ang pagsunod sa minimum health protocols.

Ang mga testing, tutorial, at review centers ay maaari ring mag-operate ng full capacity pero dapat ang mga estudyante ay hindi bababa ang edad sa 18 taong gulang at ang mga instructors at mag-aaral sa classroom ay dapat 2 metro ang layo sa isa’t isa.

Ang mga open parks tulad ng Cultural Center of Philippines (CCP) Complex, SM by the Bay, at iba pang kaparehong lugar ay magbabalik operasyon batay sa discretion ng kanilang management.

Samantala, ang mga gyms at fitness centers, barbershops, at pet grooming establishments ay papayagan namang mag-operate ng 75% capacity.

Facebook Comments