Naisakatuparan ang isa na namang road project sa ilalim ng programang flood mitigation project sa lungsod ng Dagupan.
Ang Fisheries Road Project ay maaari nang magamit na tawiran ng mga residente sa Malued pagkatapos itong pasinayaan nina Fourth District Representative Christopher ‘Toff’ de Venecia at Mayor Belen Fernandez.
Magsisilbi naman access road ng mga Dagupeño lalo na tuwing panahon ng pagbaha.
Higit itong makatutulong sa mga residente ng Brgy. Malued dahil hindi na muli sila mahihirapan sa pagtawid kapag uulan at babaha. Dagdag pa ni Mayor Fernandez, hindi na kakailanganin pa ng mga mag-aaral na mag-alis ng sapatos para lang makatawid papunta sa eskwelahan.
Papalakasin din ng pinasinayaang road project ang turismo dahil dito matatagpuan ang Inarangan Lake -ang ‘smallest lake’ sa buong Pilipinas na maaari nang tunguhin ng mga turista dahil maayos na ang daanan papunta rito.
Samantala, matatandaan namang ang kakalunsad lamang na proyektong libreng panambak ay bahagi rin ng programang flood mitigation project sa lungsod na accessible na para sa mga Dagupeño.
Asahan ang ilan pang mga road elevation projects sa mga inner roads ng barangay ng alkalde sa lungsod ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments