Ilang mga hospital, binago na ang disenyo ng kanilang swab test result forms matapos na malaman na may namemeke nito

Binago na ng Philippine General Hospital (PGH) ang disensyo ng kanilang RT-PCR Test Result Forms matapos na makatanggap ng ulat na may gumagawa ng peke nito.

Nabatid na ang mga pekeng forms ng swab test result ng PGH ay ibinebenta via online sa halagang ₱1, 000 hanggang ₱2, 000.

Nilagyan na ng watermark na logo ng PGH ang mga swab test result form para hindi na mapeke pa kung saan maaari na rin makita sa online o website ng ospital kung legit o original ang dokumento.


Bukod sa PGH, nababahala na rin ang Manila Doctors Hospital at Makati Medical Center dahil sa mga kumakalat na pekeng swab test result forms gamit ang kani-kanilang logo.

Babala ng Makati Medical Center, ang kanilang mga swab test result form ay hindi nilalagyan ng ng logo ng Department of Health at ng RITM katulad ng kumakalat via online.

Ang Manila Doctors Hospital naman ay nag-abiso sa publiko na ang kanilang mga totoong swab test result forms ay may QR Code na maaaring magpatunay na totoo ang dokumento.

Kaugnay nito, pina-iimbestigahan na ng mga nasabing hospital ang ginagawang pamemeke ng swab test result forms gamit ang kanilang pangalan upang matukoy ang nasa likod nito.

Facebook Comments