
Pansamantala munang isasara sa Caloocan ang ilang mga kalsada upang bigyang daan ang taunang selebrasyon ng Kapistahan ng Santo Niño de Pajotan sa Maypajo, Caloocan.
Isasara sa Linggo, Enero 25, dakong alas-5 ng umaga ang J.P Rizal Maypajo, Caloocan-Manila Boundary sa A. Mabini at C3 Southbound.
Samantala, ang zipper lane naman ay ipatutupad sa C3 Southbound mula Dagat-dagatan hanggang A. Mabini.
Hindi naman magtatagal ang nasabing pagsasara ng mga kalsada dahil muli rin naman itong bubuksan ng alas-12 ng tanghali ng kaparehong araw.
Ngunit sa mga may maagang lakad na tatamaan ng nasabing road closure pinapayuhan na gumamit ng alternatibong ruta para makaiwas sa abala.
Facebook Comments










