Ilang mga Locally Stranded Individual, nananatili sa loob ng container van sa Manila North Port

FILE PHOTO

Nagsisiksikan ngayon ang mga Locally Stranded Individual (LSI) sa loob ng container van sa Manila North Port sa Tondo, Maynila.

Ang nasabing LSIs ay mga pauwi sana ng Butuan, Bacolod, Iloilo at Cebu.

Nabatid na na-stranded ang mga LSI matapos makansela ang kanilang biyahe pauwing probinsya dahil sa umiiral na localized lockdown sa Metro Manila at karatig probinsya dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Hindi pa naman masiguro kung makakasama sila sa Hatid-Tulong program ng gobyerno lalo na’t karamihan sa kanila ay walang kaukulang dokumento habang ang iba ay hindi pa nasasalang sa pagsusuri.

Sa ngayon, patuloy silang nananawagan ng tulong dahil wala na rin silang perang pambili ng pagkain kung saan mayroon pang isang linggo bago matapos ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Facebook Comments