ILANG MGA MAIN AT BARANGAY ROADS SA DAGUPAN CITY, NAKARARANAS NG TULOY TULOY NA PAGBAHA

Ilang araw nang nakararanas ang lungsod ng Dagupan ng pagbaha particular sa ilang main roads tulad ng kahabaan ng Arellano St, sa Junction Area at sa AB Fernandez East bunsod ng panahon ng high tide at minsan bumabaha rin tuwing may pag-ulan sa lungsod.
Nararanasan din ang mataas na tubig sa Brgy. Calmay, Brgy. Carael, Mayombo, PNR Site, Poblacion Oeste at Perez.
Pangangamba ng mga residenteng hindi maiwasan sa paglusong sa tubig baha ang maruming tubig na maaaring pagmulan ng sakit na leptospirosis.

Hirap din daw ang mga estudyanteng papunta sa kani-kanilang pinapasukang unibersidad dahil kapag mataas talaga umano ang tubig ay walang espasyo sa lugar na walang tubig baha.
Ang mga tricycle drivers na walang choice umano kung hindi ang suungin ang baha sa tuwing mamamasada dahil mainit daw umano ang pagsuot ng bota at maabala sa pagpapaandar ng pampasaherong sasakyan.
Samantala, matagal nang problema ng mga Dagupeno ang pagbaha lalong lalo na tuwing sumasapit ang high tide at pag-ulan at alinsunod ditto, inihahanda rin ang mga planong iibsan sa pagbaha sa nasabing lungsod. |ifmnews
Facebook Comments