ISANG RACER SA PANGASINAN, NASUNGKIT ANG PAGIGING KAMPEON SA RACING COMPETITION

Kilalanin si Timothy Rojas, isang 16 years old na tubong Barangay San Roque, San Jacinto Pangasinan na nasungkit ang pagiging champion sa isang racing competition sa pangunguna ng Angkas Dream Cup 2023 na ginanap sa Clark International Circuit nito lamang nakaraang July 9 ngayong taong 2023.
Ayon kay Timothy, siya ay 6 years ng sumasali sa nasabing aktibidad. Siya ay masaya dahil kahit estudyante siya ay napagsasabay niya ang kanyang passion at pag aaral.
Dagdag niya, para sa mga kapwa aspiring young racers, huwag mahihiyang ipakita ang talento at knowledge sa nasabing larangan. Magpursigi lang at ipagpatuloy ang nasimulan. Congratulations idol, mula rito sa IFM Dagupan. |ifmnews

Facebook Comments