Cauayan City, Isabela- Masayang nakatanggap ng motorized banca ang ilang mga mangingisda mula sa bayan ng Sta. Ana at Gonzaga sa probinsya ng Cagayan.
Labing anim (16) na fisherfolks ang maswerteng nabigyan sa ilalim ng programa ng LGU Sta Ana sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Transportation (DOTr).
Bago ipinasakamay sa 16 na mga benepisyaryo ang motorized bancas, nagkaroon muna ng seremonya upang masiguro ang seguridad, kalidad at gamit nito.
Nagpapasalamat naman sa mga nasabing ahensya ang mga mangingisda na tumanggap ng banca at nangako ang mga ito na kanilang gagamitin para sa kanilang pang hanap buhay.
Ang pamamahagi ng motorized banca sa mga benepisyaryo ay dinaluhan mismo ni DOLE RO2 Regional Director, Atty. Evelyn R. Ramos at iba pang kawani ng regional office.