Ilang mga medical expert, natukoy ang mga bagong kaso ng iba’t ibang variant ng SARS-CoV-2

Lalo pang tumataas ang bilang ng mga tinamaan ng mga bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas na resulta sa gunawang pagsusuri ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at UP National Institutes of Health, nakapagtala sila ng 266 na bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant; 351 sa B.1.351 at 25 sa P.3.

Sa tala ng UK Variant, 11 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), 188 ang local cases at 67 ang inaalam pa kung mga balikbayan o hindi.


8 sa kanila ang namatay, 204 ang nakarekober habang 54 ang patuloy na nagpapagaling

Sa South Africa variant, 15 ang ROF, 263 ang local cases habang 73 ang sumasailalim pa sa beripikasyon.

Sa mga bagong kaso na ito ng South Africa variant, 54 ang aktibo, 4 ang namatay habang 293 ang nakarekober.

Sa P3 na unang nadetect dito sa Pilipinas, 2 ang ROF, 21 ang local cases at 2 ang for verification kung saan 1 ang aktibong kaso at 24 ang gumaling sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 658 ang natukoy na tinamaan ng UK variant sa Pilipinas; 695 ang naapektuhan ng South African variant; 2 pa rin ang P1 na unang natuklasan sa Brazil at 148 ang nagkaroon ng P3 variant ng COVID-19.

Facebook Comments