Ilang mga negosyo, naging matumal sa ilalim ng Alert Level 3 – Concepcion

Naging matumal ang mga negosyo matapos isailalim ang ilang lugar sa Alert Level 3.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion, maraming mga negosyo ang nagsara at nakaapekto ito sa momentum ng economic recovery.

Aniya, mabuti na lamang ay hindi naipatupad ang Alert Level 4 dahil mas malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya.


Naniniwala naman si Concepcion na huhupa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Enero o Pebrero.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng bakuna at booster dose sa mga kompanya upang matulungan ang private sector.

Bukod dito ay nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga supplier ng anti-viral drug na Molnupiravir upang magka-access ang maliliit na negosyo rito.

Facebook Comments