Mga nakakaranas ng side effects sa COVID-19 vaccine, kakaunti lang – FDA

207

Nananatiling mababa ang bilang ng mga indibidwal na nagkaroon ng adverse reactions mula sa COVID-19 vaccines.

Batay sa Food and Drug Administration (FDA), sa 108,757,357 vaccine doses na naiturok hanggang nitong Enero 2, nakapagtala sila ng 85,717 adverse events.

Katumbas ito ng 0.08 porsyento ng kabuuang doses na naiturok.


Sa 85,717 adverse reactions, 4,528 ang itinuturing na seryosong side effects habang mild lamang ang iba.

Pinakamaraming side effects na naiulat ang pagkahilo, injection site pain, pagtaas ng blood pressure at pagsakit ng ulo.

Facebook Comments