
Nagpaalala sa publiko ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na mag-ingat sa mga pekeng Facebook account na nagpapanggap bilang opisyal na account ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Sa official statement na inilabas ng DSWD, ang mga account na ito ay naglalaman ng maling mga impormasyon sa mga proyekto ng gobyerno at maaaring magdulot ng kalituhan.
Sabi ng DSWD, mayroong opisyal na Facebook page lamang ang ahensiya at maging ni Sec. Gatchalian.
Dahil dito ay nananawagan ang DSWD sa publiko na huwag agad makipag-ugnayan o magbigay ng personal na impormasyon sa mga pekeng account upang hindi mabiktima ng scam.
Facebook Comments