Nagsasagawa ng biglaang pag-iinspeksyon ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) sa Mega Q-Mart sa Quezon City kung saan tumalima naman ang mga tindero at tindera sa iniaatas na presyo ng ahensiya.
Ayon kay DA Undersecretary for Consumers and Political Affairs Cristine Evangelista, binibigyan nila ng advice ang mga negosyante na ang kanilang tinitindang imported meat o frozen meat ay dapat maibenta kaagad ngayong araw at huwag ng hayaan pang tumagal ng mga ilang araw.
Paliwanag ni Evangelista wala naman silang nakikitang mga paglabag sa mga pangunahing presyo ng karne, isda, gulay maging sa mga presyo ng itlog, katunayan aniya bumaba pa ang presyo ng itlog sa Mega Q-Mart, kung dati ang presyo ng maliit na itlog ay Php 6 ngayon umano ay Php5.50 na dahil ang mga itlog ay inaangkat pa nila sa Calabarzon area.
Ikinatuwa naman ng DA ang ginawang pagtalima ng mga tindero’t tindera ng Mega Q-Mart Ngayon Holiday Season.