
Maaga pa lamang ay nakalatag na ang ilang mga pampaswerte na ibinebenta sa kahabaan ng Ongpin Street sa Binondo, Maynila.
Ilan sa mga ito ay ang mga prutas na pampaswerte tulad ng dalandan, kiat-kiat, piña, at ponkan na isinasabit sa pinto na mabibili sa P60 – P200 depende sa disenyo habang ang luya naman na pampaswerte rin ay nasa P70 – P100.
Mayroon din ibinebenta rito na isang bugkos ng palay na nasa P35 – P100 pero halos kakaunti lang ang pampaswerteng gabi dahil limitado lang ang suplay na ibinebenta sa halagang P100 – P200.
Ang mga bracelet naman ay nasa P150 – P300 depende sa uri at disenyo habang may mga luxky kiat-kiat tree na mabibili sa halagang P7,500 hanggang P15,000.
May mga pampaswrte rin na figurine na mabibili dito sa Ongpin kung saan ang maliit ay P250, medium ay P280 habang ang malako ay nasacP380.
Ang tikoy na plain ay mabibili sa P100 – 200 depende sa sukat habang nasa P150-P250 ang mga may flavor haya ng ube, pandan, at mongo.










