Nasa 2,000 pasahero ang tinatayang stranded sa Manila North Harbour Port.
Ito’y dahil sa pansamantalang pagsuspinde ng mga biyahe patungong Cebu-Cagayan at Bacolod-Iloilo dulot ng masamang lagay ng panahon.
Dahil dito, pansamantala munang pinapasok ang mga senior citizen, PWD, mga buntis, at may mga dalang bata sa arrival area ng Passenger Terminal Building upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Bukod dito, kanselado na muna ang mga biyahe ng mga barko sa mga lugar na maaapektuhan ng papasok na bagyong kabayan.
Ang mga stranded naman na pasahero sa Port Management Office sa Agusan at Bacolod ay binigyan ng makakakain at inumin ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kaugnay nito, pinapayuhan ng PPA ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa concerned shipping lines bago pumunta sa mga pantalan para maiwasan ang abala.